Tuesday, June 2, 2020

Protocol for Modified Enrollment 2020-2021

STEP 1, ang bawat magulang ay inaanyayahang sagutan ang Learner Enrollment and Survey Form (LESF) simula Hunyo 1 hanggang Hunyo 30,2020.

Dahil sa ipinagbabawal muna ang pagpunta sa paaralan sa unang dalawang linggo ng Hunyo, ang LESF ay ibibigay sa paraang remote, ibig sabihin, ang mga anunsyo, mga paliwanag at mga katanungan ay masasagot sa pamamagitan ng pagtext, tawag, pag chat o anupamang paraang online.
Ang mga sumusunod ay mga link ng LESF electronic format, na maaring sagutin ng mga magulang sa kada distrito.

bit.ly/tabdistrictone
bit.ly/tabdistricttwo
bit.ly/tabdistrictthree
bit.ly/tabdistrictfour
bit.ly/tabdistrictfive
bit.ly/tabdistrictsix
bit.ly/tabdistrictseven
bit.ly/tabdistricteight
bit.ly/tabdistrictnine
bit.ly/tabdistrictten
bit.ly/tabacoprivateschool

Sa mga walang access sa internet at hindi magawa ang online enrollment, hintayin lamang po ang ikatlong linggo ng Hunyo, dahil simula sa panahong ito lamang maari ng pumunta sa paaralan para magbigay ng mga print-out ng LESF.

Makiisa sa kahit anong ligtas na pamamaraan upang ang lahat ng magulang ay maitala ang kanilang mga anak sa LESF para sa SY 2020-2021.

STEP 2,  ay panahon ng pag-encode  ng mga guro ng lahat ng data na nakuha sa  Learner Information System (LIS). Ang LIS ay ang opisyal na talaan ng mga batang naenrol ng mga magulang gamit ang LESF.

Gamit ang digital copy ng LESF consolidation form na nasa LIS, ang lahat ng kaguruan ay mag-eencode nang wasto at saktong data na nakuha alinsunod sa Data Privacy Act (DPA).

Mahalaga ang maibabahaging information ng mga magulang sa step 1 sa pagbibigay ng tamang data sa LESF ng sa ganun sa step 2 ay maitala ng guro sa LIS ang mga ito.

STEP 3, ang mga naprosesong data ay masusing pag-aaralan at gagawing basehan ng paaralan para makagawa ng Learning Continuity Plan (LCP). Ang LCP ang magsasabi kung ano ang angkop at nararapat na paraan ng pagtuturo ang gagawin sa mga bata base na rin sa kakayahan ng paaralan at ng mga mag aaral.

Salamat po..

Panoorin nyo po ang video para sa mas malinaw na mensahe๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š
https://youtu.be/p2iehZxHz-M