Saturday, August 20, 2022

Brigada Eskwela 2022 (Naghahanap po kami ng mga donors at volunteers)

 Para saan nga ba ang Brigada Eskwela? Sa pagkakaalam natin lahat, ito 'yong paghahanda na ginagawa ng paaralan, communidad at mga stakeholders para sa pasukan ng mga mag aaral.  Karamihan ay maglilinis talaga ang kayang maibigay ng mga magulang at mag aaral.

Subalit hindi na naman halos kailangan ng room namin ng paglilinis dahil halos araw araw akong naglilinis sa room. Kumbaga eh na maintain ko ung kalinisan ng room habang bakasyon.

Ang nakakalungkot lang talaga eh 'yong makita mo ang room na hiindi pa talaga ready dahil sa mga sira sirang parts ng room, kawalan ng mga gamit at sira sirang mga gamit katulad ng refrigerator.

Home Economics ang itinuturo ko sa Senior High School at kulang na kulang pa talaga ang mga gamit namin. 

Ito ang pinto ng room namin inanay na kaya naging marupok na. Noong daanan ng bagyo ang Bicol ay tuluyan na itong natanggal kya pinalitan na lng ng bakal sa kagandahang loob ng mga estudyante ng SMAW at ng kanilang guro na si Sir Hans.

Ito naman ang front door na sira ang dook knob at talagang marupok na rin ang kahoy ng pinto...


Ito naman ang bintana na may mga kulang na salamin...


Ang ref at freezer na nasira na pagkatapos gamitin sa canteen. Hindi na ngayon magamit ng mga estudyante...


Isa lang po ang tank ng gas kaya walang gagamitin sa pagluluto. Wala rin pong stove ang paaralan na pwedeng magamit ng mga estudyante sa pasukan.
Iisa lng po ang manicure chair at manicure table kaya kailangan pa po ng mas marami...
Kailangan din ng T.V set para sa pagpapalabas ng lesson videos at desktop computer para sa online test at research ng mga estudyante. Kailangan rin ng pintura para sa mga upuan na kahoy.


Ito talaga ang pinaka malala...Lahat po ng ilaw sa room na ito ay sira na at sobrang dilim sa room kapag maulan...Kailangang kailangan po talaga ang ilaw lalo na ngayong ber months na mas mahaba ang gabi...
Sira na rin ang electric fan at wala rin stand fan. kailangang kailangan po ito dahil mainit po sa room na ito at kailangan din ng ventilation para makaiwas sa mga sakit na nadadala ng hangin.
Pati ang pinto ng C.R ay nasiira na rin at kailangan na ring palitan. 

Sa totoo lang po nakaka stress talaga lalo na at wala naman talagang budget ang mga teacher para sa mga ganitong major repairs at mamahaling equipment. 

Kaya naghahanap po kami ng mga taong may busilak na kalooban na gustong magdonate ng mga gamit o magvolunteer para ayusin po ang mga sirang gamit.
Sa mga gusto pong tumulong mga text lamang po kayo sa 0916-231-9389 at hanapin nyo po ako si Teacher Rica. Bibigyan ko po kayo ng letter para formal po 'yong donation. May certificate din po na ibibigay ang paaralan para sa inyo. Thank you in advance po at more blessings to come! :)



No comments:

Post a Comment