Wednesday, August 24, 2022

Bakit nga ini interview ko ang mga incoming Grade 11 Home Economics?

      Me pa interview Si Madam? Yes po iniinterview ko po talaga ang mga gustong magtake ng Home Economics dahil gusto kong masiguro kung valid ba 'yong rason nila sa pagpili ng course na ito.

May mga pagkakataon na nagkakamali ang isang estudyante ng piniliping course dahil sa sumasama lang sila sa kung saan nag eenroll ang mga barkada nila, o kya naman ay hindi nila alam 'yong magagandang opportunities n naghihiyay kapag ntapos nila ang course na pag aaralan nila, ang iba naman ay hindi pa talaga alam kung ano nga ba ang gusto nilang gawin pagkatapos ng pag aaral.

Kaya naman tinutulungan ko sila na maisip ang kanilang gustong maging trabaho o mission pagkatapos ng Senior High School sa pamamagitan ng paggawa ng vision board. 

Sa mga estudyanteng gustong mag aral ng Home Economics ipinapaliwanag ko sa kanila ang mga kailangan para makapag aral sila ng maayos.

Shempre kailangan sa course na ito na physically fit ka dahil nakakapagod naman talaga ang mga activities katulad a lamang ng pag bibake, pag serve sa dining area, at pag palit ng beddings. Kailangan din ay may nakahandang panggastos dahil sila ang bibili ng mga ingredients sa pagbibake. Sila din ang bibili ng mga gamit sa Nail Care Services.  Kailangan ay masipag at matyaga sa course na ito para madevelop ang kanilang mga skills at makapasa sa National Competency Assessment. At higit sa lahat kailangan related ang course na ito sa kanilang College course o trabaho pagkatapos nilang mag aral sa Senior High School. Kailangan lamang na magpakatotoo sa sarili para malaman kung ano ba talaga landas na makapagdadala sa kanila sa masayang tagumpay sa buhay.

Narito ang mga link sa nasabing vision board at orientation...


How to make a vision board

K-12 Senior High School Tracks and Strands



No comments:

Post a Comment