Wednesday, September 7, 2022

Thank you donor and volunteers! Maliwanang na ang Home Economics Room!

 OMG sa wakas! Maliwanag na po ang aming Home Economics laboratory room...Sobra saya ko kasi ilang taon ding madilim ang room na ito. Paisa isang nasira ang mga ilaw kaya naman halos wala kanang maaninag kapag umuulan o makulimlim aang panahon. Naalala ko noong nag practice 'yong mga estudyanteng kasali sa project Sacto, as in gumamit pa ng cp flashlight para maaninag ang kanilang ginagawa. Nakakaawa naman talaga ang kalagayan nila pero sobrang deserve nila na mabigyan ng maayos na learning area dahil masisipag at pursigido naman talaga ang aking mga mag aaral.

Sobrang passionate pa nga ako sa mga friends ko sa pagkwento kung paano nagsusumikap ang mga estudyante ko para lamang matuto at makapagtapos dahil alam ko rin nman ang kanilang mga pangarap ayon sa ginawa nilang "vision board" sa first day of classes. :)

Noong pandemic ay ok lang na walang ilaw dahil wala namang mga estudyante pero ngayong may nandito na ulit sila ay napaisip talaga ako kung paano sila makakapagpracticum na walang ilaw ang room. Kaya naman himingi ako ng tulong/donation sa mga taong may busilak na puso at nag uumapaw ang blessing sa buhay.



Maraming maraming salamat po donor na itago na lang natin sa pangalang "secret" hehehe Basta ang first donor natin ay sobrang successful at napaka generous kya nag uumapaw ang blessings sa buhay nya. :) May the Universe bless you more! :)



Sobrang nagpapasalamat din po ako sa napaka galing na electrician at T.V.L EIM teacher  si Sir Joseph na nagmanage ng install ng mga ilaw. Nagdonate din si Sir ng wire para hindi na kami bumili. Thank you sooo much Sir Joseph. I know na kapag gawa ni Sir Joseph ay maayos at napaka safe kya kung may ipapagawa po kayo na mga electrical jobs recommended ko po talaga si Sir Joseph, sobrang competent at napakabait pa. 



Thank you din po sa mga EIM students na tumulong sa installation. Ipagpatuloy nyo lang po ang kasipagan at pag aaral nyo. I really wish na maging successful kayo balang araw. May the Universe guide you po. :) Pag nagbake na ang H.E magsishare din po sila sa inyo. :)


Sa mga may busilak na puso na gustong tumulong marami pa po na kailangang mainprove sa Home Economics Room. Malaking tulong po ito sa ating mga estudyente dito sa public school. Wala pong expiration date ang pagtulong. Thank you in advance! May all your shared blessing come back to you a million times! Blessed be!

No comments:

Post a Comment